Ito ay makaraang tanggalin na ng Petron ang P2.00 discount kada litro ng diesel na ipinatupad kahapon ng hatinggabi. Ayon kay George San Mateo, spokesperson ng PISTON, patunay lamang umano ito na hindi ang fare rollback ang magbibigay ng economic relief sa mamamayan sa bansa.
Nagbanta rin ang PISTON na kung may magaganap pang pagtaas sa presyo ng produktongpetrolyo at walang magiging aksiyon ang pamahalaan dito ay hindi malayong isagawa ng grupo ang malawakang transport strike sa unang quarter ng taon.
Magugunitang nagbigay ng dalawang pisong discount sa diesel ang Petron nitong Disyembre bilang pamaskong handog sa tsuper at operator ng pampasaherong jeepney ngunit binawi na posibleng magsunuran rin ang ibang oil players sa bansa.
Sinabi naman ng pangulo ng FEJODAP na si Zeny Maranan, wala pa umano siyang natatanggap na reklamo mula sa mga miyembro hinggil sa pagtanggal ng discount ng PETRON. (Doris M. Franche)