"Our Christmas and New Year operations are just like Sundays. We lessen our number of deployed trains. The decision to reduce the number of trains is based on the premise that people travel less during the holidays" pahayag ni MRT General Manager Roberto Lastimoso.
Ayon kay Lastimoso, sa darating na December 25-26 at Enero 1 hanggang 2 ay sampung tren lamang ang bibiyahe sa North Ave. patungo Taft Ave. at vice versa, nabatid na sa regular days na operasyon ng MRT kabilang na dito ang araw ng December 24 at December 31 ay 20 trains ang bibiyahe.
Ang MRT ay may regular commuters na 500,000 kada araw.
Habang sa panig naman ng LRT, sinabi ni Jinky Jorgio, media consultant ng LRT Authority na sa December 24 at December 31, ang Line 1 (Baclaran-Monumento) ang last trip ay alas-7:45pm, isang oras na mas maaga mula sa regular na biyahe na 8:45 PM. Ang last trip sa Monumento hanggang Baclaran ay alas-8:15 pm na dati ay 9:15.
Sa Line 1 ay 39 coaches o 13 tren lamang ang bibiyahe.
Samantala sa araw ng December 24, ang Line 2, Santolan hanggang Recto ay 8:30 pm ang last trip; Recto hanggang Santolan ay 9:00 ng gabi ang huling biyahe mula sa dating 10pm.
Sa December 31, ang Last trip sa Line 2 (Santolan hanggang Recto) ay alas-7:30 ng gabi habang ang biyahe ng Recto-Santolan ay alas-8 ng gabi ang huling biyahe.
Sinabi ni Jorgio na dahil sa limitado lamang ang tren na bibiyahe sa holidays ay mas hahaba ang waiting time na mula 3 hanggang 5 minuto sa regular days ay magiging 5 hanggang 10 minuto ang pagitan ng pagdating ng tren. (Edwin Balasa)