Warrant of arrest vs 5 mediamen

Nagpalabas kahapon ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court sa limang media personalities kaugnay sa kasong libelo ni First Gentleman Mike Arroyo.

Ibinaba ni Manila RTC Judge Jansen Rodriguez ng Branch 06 ang warrant of arrest laban kina News Break Magazine editor-in-chief Maritess Danguilan-Vitug; Glenda Gloria, Associate Editor; Ricky Carandang, Business Editor; Otico Dalisay at Booma Cruz, contributing editor.

Ang kaso ay kaugnay sa inilathalang artikulo ng News Break Magazine na may titulong "More Properties" noong Disyembre 8, 2003 na tumutukoy sa mga pagkamal ng ari-arian na kuwestiyonable umanong nakuha ng Unang Ginoo mula nang maging Pangulo ang kabiyak nito na si Gloria Macapagal-Arroyo.

Umakyat sa sala ni Judge Rodriguez ang kaso nitong Dec. 4, 2006 matapos mapatunayang may "probable cause" ni Manila Asst. Prosecutor Freddie Gomez ang isinampang kaso ni FG Arroyo laban sa limang akusado.

Sa panig ni Vitug, walang malisya ang inilathala nilang artikulo laban kay Arroyo, aniya, malinaw na panibagong panggigipit ito sa mga mamamahayag at pagsupil sa press freedom. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments