Ginang nagbigti sa loob ng aparador

Malaking palaisipan pa rin sa mga awtoridad ang pagkamatay ng isang ginang na natagpuang patay at nakabitin sa loob ng isang aparador sa lungsod ng Valenzuela, kamakalawa ng umaga,

Hindi pa matiyak kung sadyang pinatay o nagpakamatay ang ginang na si Joan Arabia, ng 2209 Doon St., Fortune Village, General T. de Leon, Valenzuela City.

Ayon sa ulat ni PO3 Richard Bautista, may hawak ng kaso na dakong alas-6:05 ng umaga nang matuklasan ng biyenan nitong si Nenita Agustin ang bangkay ng manugang sa loob ng cabinet.

Ayon sa pulisya, patuloy pa rin ang isinasagawang masusing imbestigasyon sa insidente. (Ricky Tulipat)

Show comments