Lolo dedo sa killer bus

Hindi akalain ng isang lolo na iyon na ang huli niyang pagsisimba matapos na masagasaan at makaladkad ng pampasaherong bus kahapon ng umaga sa Commonwealth Ave. Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Francisco Castillo, 72, ng no.1312 Severino St. Sta. Cruz, Maynila matapos na mapisak ang ulo.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Traffic Sector 5, naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga sa tapat ng St. Peter’s Church sa Commonwealth Ave. Quezon City.

Ayon kay Corazon Apo, traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA), kalalabas pa lamang ng simbahan ng biktima at papatawid ito nang mahagip ng Jell Transport (NYE-350) na minamaneho ni Florentino Pagulayan ng Dagat-Dagatan, Navotas. Nagmistula pang kalso ng gulong ang biktima.

Sinabi ni Apo na posible umanong nahirapang umakyat ng footbridge ang biktima kung kaya’t minabuti na lamang nitong tumawid sa gitna ng mga rumaragasang sasakyan.

Bagamat sinabi ni Pagulayan na hindi niya napansin ang pagtawid ng biktima sasampahan pa rin ito ng kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Doris Franche)

Show comments