Ang maaapektuhan ng 16-oras na pagkaantala ng tubig ay ang buong Balut, Tondo at ang San Rafael Village sa Navotas.
Ang proyektong ito ay naglalayong lalong mapabuti ang serbisyo ng Maynilad sa mga nasabing lugar. Pinapayuhan ang mga apektadong consumer na mag-ipon ng tubig na tatagal ng 16-oras. Maaari ring tumawag sa Maynilad Water Hotline 1626 o 4362000, o mag-text sa SMART 7001626 para sa water-rationing schedule.