Ayon kay Gatdula, kailangan lamang niya ang partisipasyon ng mga residente upang tuluyan nang mapuksa ang mga krimen sa lungsod at mabuwag ang ibat ibang sindikato.
Bagamat mahirap isakatuparan, sinabi ni Gatdula na gagawin niya ang lahat upang maging "zero crime district" ang lungsod sa ilalim ng kanyang panunungkulan.
Kasabay nito, nanawagan din si Gatdula sa kanyang mga pulis na ituloy ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko at iwasang masangkot sa anomalya.
Aniya, hindi naman niya kukunsintihin ang sinumang pulis QC na madadamay at irereklamo. Handa umano siyang imbestigahan ang mga ito upang maipakita sa publiko na patas ang ibinibigay nilang hustisya sa bawat isa.
Bukod dito, ipinahayag naman ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte na mananatiling nakasuporta ang city government sa anumang mga proyekto ng QCPD laban sa kriminalidad. (Doris Franche)