Ayon sa isang MMDA insider, sa nakaraang directors meeting sa MMDA, inamin ni Architect Alfonso Romero, head ng Construction Equipment and Management Office(CEMO) na ang kanyang tanggapan ay nagpapalabas mismo ng clearance sa mga billboard contractors.
Sinabi ni MMDA Undersecretary Cesar Lacuna na bubusisiin nito ang extent at uri ng permiso ng CEMO na ipinalalabas nito sa mga pribadong contractors. Aniya, kahit noon pa ay hindi sila nag-isyu ng building permit kung kayat nais nilang makita ang sakop ng nasabing clearance.
Matatandaan na naunang ipinahayag ni Makati City Mayor Jejomar Binay na walang itinayong billboard sa major streets na hindi binigyan ng permit ng MMDA.
Uminit din ang ulo ni Binay nang akusahan umano sila ni MMDA Chairman Bayani Fernando na responsable sa mga oversized ad displays sa lansangan. (Lordeth Bonilla)