Ayon kay Yllana, ang mga sidewalks at center islands ay hindi tamang lugar upang taniman ng mga puno dahil na rin sa limitadong espasyo at lupa nito.
Bagamat tumutubo ang puno sa mga nasabing lugar, hindi naman makakaya ng lupa nito na suportahan ang ugat ng puno upang maging matatag lalo pat sa panahon ng bagyo tulad na rin ng ginawang hagupit ni Milenyo.
Sinabi ni Yllana na makabubuti pa umanong maglagay na lamang ng mga ornamental plants na magiging bahagi ng beautification drive at magbibigay ng seguridad sa publiko.
Daan-daang puno ang nabunot nang daanan ni "Milenyo" noong Huwebes at bumagsak sa mga kawad ng kuryente na nagdulot din ng pagkawala ng kuryente sa Metro Manila.
Maging ang nagbagsakang billboards ay nakadagdag pa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan. (Lordeth Bonilla)