Ayon kay LPG Marketeers Association (LPGMA) President Arnel Ty, kada linggo ay makakaasa ng P.50 sentimo na LPG price rollback na matatapos hanggang sa pagtatapos ng Oktubre.
Matatandaan na una nang nagpatupad ng rollback ang LPGMA nitong nakalipas na linggo ng P.50 kada kilo sa kanilang cooking gas. Dagdag pa ni Ty na ang pagbaba sa presyo ng LPG sa lokal na pamilihan ay bunsod na rin ng paglakas sa palitan ng piso sa dolyar at ang pagbaba rin ng contract price nito sa world market mula $560 ay naging $510 kada metriko tonelada na lamang. (Edwin Balasa)