Batay sa ulat na natanggap ni MRT General Manager Roberto Lastimoso, dakong alas-7:30 ng umaga nang huminto ang tatlong couch na galing Kamuning Station patungong Cubao matapos umanong magsakay ng sobra sa itinatalagang bilang ng mga pasahero.
Sa pagsisiyasat ng MRT Technical, nagkaroon ng "line contact failure" ang tatlong couch ng MRT o hindi paggana ng "safety switch".
Bunga nito, kinailangang pababain ang mga pasahero ng MRT bago maibalik ang operasyon nito. Napag-alaman na 3,000 lamang ang dapat na bilang ng mga pasahero ng MRT sa isang biyahe nito sa kahabaan ng EDSA subalit umabot ito sa 4,000 kahapon ng umaga.
Inamin ni Lastimoso na walang sapat na pondo para sa maintenance nito kung kayat nagkakaroon ng problemang tulad nito.
Nabatid na ang MRT ay ginawa upang makapagsakay lamang ng 350,000 pasahero kada araw subalit umaabot na ito sa 430,000. (Edwin Balasa)