Ayon kay PO3 Reynaldo Aguba, imbestigador ng kaso na maaari nilang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide dahil sa pagkamatay ng biktimang si Rachelle Suba, 12, na nahulog noong Linggo ng gabi sa Wild River logboat ride na katulad ng roller coaster.
Ayon sa pulisya, nakita nila sa isinagawang inspeksyon ang kawalan umano ng seatbelts ang naging dahilan ng pagkahulog at dapat umano na ang management ay dapat magbigay ng alintuntunin na may kasamang matanda ang isang bata na sasakay sa kanilang mga rides.
Ayon naman sa tagapagsalita ng Star City na si Atty. Rodinil Bugay, na natakot umano ang biktima at nais nitong kumawala habang ang logboat ay nasa tuktok.
Pinabulaanan din ni Bugay na ang resulta ng insidente ay dahil mechanical defect gayung maraming mga nakasulat na mga restrictions sa mga sasakay ng rides.
Dinagdag pa nito ang nangyaring insidente kay Suba ay kauna-unahang naganap sa kanilang amusement park at handa umano ang management na sagutin ang lahat ng gastos sa naganap na aksidente.
Handa rin umano ang management sa safety checks na isasagawa ng city engineers sa mga rides kahit na sila ay mayroong sariling engineering consultant mula sa California na nagbigay patunay na ang lahat ng rides ay ligtas bago pinasimulan ang operasyon. (Lordeth Bonilla)