5 preso nakapuga

Sinibak sa tungkulin ang isang mataas na opisyal ng Northern Police District (NPD) makaraang maka-puga mula sa kanyang custody ang limang bilanggo, kahapon ng madaling- araw.

Mismong si NPD director Chief Supt. Leopoldo Bataoil ang sumibak kay Supt. Maximo Valiente hepe ng NPD-DPIU.

Sinabi ni Bataoil na ang pagkakasibak niya kay Valiente ay bunsod ng pagkaka-eskapo ng limang preso na may iba’t ibang kaso na kinabibilangan nina Genesis Agustin, Faustino Sampang, Marvin Rubio, Salvador Eugenio at Romeo Villaluz.

Nabatid na dakong alas-2 ng madaling-araw nang makatakas ang nasabing mga preso na pawang nasa custody ni Valiente.

Isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa hinggil dito upang alamin kung paano nakatakas ang nasabing mga preso. Ikinasa na rin ang malawakang hot pursuit operation laban sa mga nabanggit na bilanggo para sa ikadarakip ng mga ito. (Rose Tamayo Tesoro)

Show comments