Ayon kay Jinky Jorgio, public relations officer ng LRT Authority (LRTA) dakong alas 11 ng umaga ng biglang mag- malfunctions ang break ng isa nilang tren na bumibiyaheng Monumento patungong Baclaran.
Napag-alaman na nawalan ng hangin ang break ng nasabing tren sa Pedro Gil Puyat station dahilan upang pansamantalang itigil ang operasyon ng buong Line I ng LRT. Ang hangin sa loob ng brakes ng isang tren ay isa sa pinaka mahalagang bagay kaya ito tumitigil.
Agad namang pinababa ang mga pasahero ng tren subalit hindi kaagad nabigyan ng babala ang iba pang pasahero ng line na kasalukuyang naghihintay sa ibang istasyon kaya dumami ang mga na-stranded.
Kinailangan pang hilahin ang nakabarang tren sa lugar kung saan ito ginawa. Agad namang inayos ang sira ng nasabing tren at matapos ang mahigit isang oras ay ibinalik sa normal na operasyon ng LRT Line 1. (Edwin Balasa)