Sa ulat panibagong kaso ang kakaharapin ng mga bilanggo na sina Reynaldo Yano, mayor ng "Sigue-Sigue Sputnik Gang"; Roberto Sales; Ronaldo de Leon; Dante Manilang at Edgardo Santos, na pawang nakakulong sa selda 2 at 3 sa Pasay City jail.
Ayon pa sa ulat, una nang nakatanggap ng tip mula sa kanilang asset ang mga jailguard na nagsasagawa ng pot session ang mga nabanggit na inmate sa conjugal room sa ikatlong palapag ng Pasay City jail.
Dakong alas-11 ng umaga nagsagawa ng pagsalakay ang mga kagawad ng BJMP at doon nga naaktuhan ang mga ito na sumisinghot ng shabu. (Lordeth Bonilla)