Kinilala ni NPD director Chief Supt. Leopoldo Bataoil ang dinakip na suspect na si PO1 Ronaldo Hipolito, 31, nakatalaga sa District Headquarters Support Unit ng MPD.
Batay sa ulat, dakong alas-7 ng gabi kamakalawa nang arestuhin si Hipolito sa bahay nito sa Maligaya Park, Camarin, Caloocan City. Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Marlo Maglosa ng Manila Trial Court sa kasong direct assault.
Positibo namang kinilala ni Panizal si Hipolito na siyang sumakay sa kanya at nagpahatid noong Agosto 16, 2006 sa harapan ng isang gasolinahan sa Sta. Maria, Malinta Valenzuela City. Nagmamadali umano itong bumaba ng tricycle na hindi man lang nagbayad at ilang saglit pa ay sinalubong na ng bala ng baril ang biktima ng mga suspect na sina George de Jesus, alyas Boy Demonyo, 51; at kapatid nitong si Jojie, 29.
Si Panizal, 52, photographer/reporter ng pahayagang Tiktik ay pinagbabaril at malubhang nasugatan noong nakaraang Agosto 16, sa nabanggit na lugar.
Nagsilbi umanong pain ng gunmen ni Panizal si Hipolito. (Rose Tamayo-Tesoro)