Dahil dito lalong naging kumplikado ang pagkakapaslang kay Nicasio Cruz, 38, operations chief ng Marikina Settlement Office (MSO) matapos na mapag-alamang kilala nito ang pumatay sa kanya dahil kumaway pa ito habang nasa loob ng bahay ang una, ayon sa ilang saksi na nagbigay ng salaysay sa tanggapan ni Supt. Sotero Ramos Jr., hepe ng Marikina police.
"Masalimuot ang kasong ito. Hindi pa namin alam kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima lalo na may nagsabing nagkawayan pa ito bago ito lumabas ng bahay at sinabi pa ni Cruz sa kanyang asawa na "tao ko yun", pahayag ni Ramos.
Ayon naman sa isang source na empleyado ng Marikina City Hall na ang pagkakapaslang sa biktima ay hinggil sa mga umanoy anomalya nito noong hepe pa ito ng City Transportation Management and Development Office (dating tricycle regulatory office o TRO).
Napag-alamang kakalipat lang sa MSO ni Cruz nito lang taong ito galing sa pagiging hepe nito ng TRO.
Sa kasalukuyan ay maraming anggulong sinisilip ang pulisya. (Edwin Balasa)