Patay na nang idating sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo at katawan ang biktimang si Danilo Manalo may-ari ng isang karinderya at nakatira sa 85 Esiquel St., Brgy. Sto. Niño ng nabanggit na lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng umaga habang abala ang biktima sa pagsisilbi sa mga kostumer sa kanyang karinderia sa harapan ng kanilang bahay ng dumating ang dalawang suspect.
Walang sabi-sabing agad na bumunot ng baril ang mga ito at saka pinaputukan ng sunud-sunod ang biktima.
Matapos ang isinagawang krimen mabilis na nagsitakas ang mga suspect lulan sa isang pampasaherong jeep.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa nasabing pamamaslang sa biktima. (Edwin Balasa)