Ito ang isinisigaw ng pamilya ng negosyanteng si Magnayon na nakatakdang magharap ng counter charges laban sa mga pulis.
Batay sa naging pahayag ng mga saksi, si Magnayon ay inaresto dakong alas-7:30 ng gabi noong Agosto 3 sa harapan ng Brgy. Hall 187 Uyguanco St., Barrio Sto. Niño, Tala Caloocan City habang kakuwentuhan nito ang mga opisyales sa barangay.
Pawang nakasuot umano ng bonnet at lulan sa isang van at dalawang kotse na walang kaukulang plaka ang mga dumampot dito na dahil nga rito ay inakala nilang kinidnap si Magnayon.
Walang kaukulang warrant sa kabila na isang linggo na ang nakalipas ng maganap ang krimen na ibinibintang dito.
Mag-uumaga na nang mabatid ng pamilya ni Magnayon na grupo ni Supt. Napoleon Cuaton ng Caloocan Police Intelligence Division ang dumampot dito.
Ayon kay Atty. Cecilia Magnayon, nakatatandang kapatid ni Ernani na nakatakda nilang sampahan ng kaukulang kaso sa korte ang grupo ni Cuaton dahil sa hindi umano sinunod ng mga ito ang "usual procedure" nang pag-aresto.
Lumalabas din na ni isa sa mga sinasabing testigo sa aktuwal na panghoholdap at pagpaslang kay Ruñez ay walang kumilala kay Magnayon. Dinakip umano ang kanyang kapatid base sa pahayag ng isang Charles Galarce, kilabot na holdaper sa lugar na masasabing wala namang kredibilidad.
Inugnay umano ang kanyang kapatid at sapilitang ipinaturo kay Galarce sa naturang kaso.
Naniniwala ang pamilya ni Magnayon na sadyang nagdadampot ng kung sinu-sino ang Caloocan police dahil sa pressure sa ultimatum na ibinigay ni Pangulong Arroyo.
Sinabi naman ni NPD director Chief Supt. Leopoldo Bataoil na makakaasa ang pamilya ni Magnayon na mabibigyan ito ng due process of law. (Rose Tamayo-Tesoro)