Itoy matapos na iharap kahapon ang hitman ng Tanod photographer na si Prudencio "Dick" Melendrez na pinagbabaril at napatay sa Malabon City. Nakilala ang suspek na si Roberto Lopez.
Sinabi pa ni Calderon na positibo siyang susunod ng madarakip ang iba pang killer ni Melendrtez bunga na rin ng pakikipagtulungan ng mga testigo sa mga awtoridad.
Ang iprinisintang suspect ayon kay Calderon ay positibo namang kinilala ng mga testigo sa krimen.
Kinumpirma naman ni NPDO director Chief Supt. Leopoldo Bataoil na hindi konektado sa trabaho ang pagpatay kay Melendrez .
Sinabi pa ni Calderon na puspusan ang pagtatrabaho ng pulisya para mabigyang solusyon ang pamamaslang laban sa mediamen at militanteng grupo alinsunod sa mahigpit na direktiba ni Pangulong Arroyo. (Joy Cantos)