Rape-slay victim na ginang, natagpuan sa ilog

Isang hindi pa nakikilalang babae ang pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ang natagpuang lulutang-lutang sa ilog, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Ayon kay PO2 Melvin Mendoza, may hawak ng kaso, ang nasabing biktima na inilalarawan lamang na nasa edad 40 hanggang 50-anyos, nakasuot ng duster, walang suot na underwear ay natagpuang lutang-lutang sa ilog na sakop ng Manggahan Floodway, Brgy. Manggahan, nasabing lungsod.

Ayon na rin sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng isang Glen Remetrio.

Naglalakad umano sa nasabing lugar si Remetrio nang mapansin nito ang bangkay ng biktima at agad niya itong ipinaalam sa pulisya. (Edwin Balasa)

Show comments