Ibinaba ng Manila Health Department ang kautusan base na rin sa direktiba ni Manila Mayor Lito Atienza upang maisaayos ang lahat ng nakalibing sa sementeryo, makaraang mabunyag ang pagkalat ng mga kalansay sa labas ng kanilang mga nitso.
Ang pagsasara ay nagsimula nitong Hulyo 12 at muling bubuksan sa publiko sa Setyembre 31 ng kasalukuyang taon. Sa kabila nito, inirekomenda ni Atienza sa publiko ang pagpapalibing sa Manila North Green Park, isang bahagi ng North Cemetery na isinapribado ng pamahalaang lungsod.
Dahil dito, tinuligsa ni Minority Councilor Benjamin Asilo ng 1st District (Tondo) ang ginawang hakbang na ito ng lungsod. Aniya, panibagong paghihirap ito sa mga Manileño dahil siguradong malaking dagdag pasanin lalo na sa mga namatayang pamilyang taga-lungsod ang ginawang pagsasara.
"Hindi kami makakapayag sa ganitong hakbangin, saan naman kaya nila ipalilibing ang maraming mahihirap na taga-Maynila na namatayan.
Hindi naman puwedeng iburol sila hanggang Setyembre para maipalibing sa Norte," wika ni Asilo. (Gemma Amargo-Garcia)