Ito ang ibinulgar kahapon ni Teresita Ang See, chairman ng Citizens Against Crime and Corruption (CAAC).
Ayon kay See, nakababahala ang grupong ito dahil sa alam na alam ng mga ito ang aktibidad ng kapwa nila Filipino-Chinese na bibiktimahin.
Ang nasabing grupo ayon kay See na ang mga lider ay Filipino-Chinese ay may mga kasabwat rin umanong mga Filipino sa kanilang mga iligal na aktibidad.
"Have pity on your fellow Chinese," apela pa ni See sa naturang grupo ng mga kidnappers.
Nabatid na maliban sa Metro Manila ay umaabot pa hanggang sa Central Luzon ang operasyon ng grupong ito na sangkot din sa robbery at holdapan.
Sinabi pa ni See na noong nakalipas na buwan ng Hulyo ay nakapagtala ang Filipino-Chinese community ng 11 kaso ng kidnapping kabilang na ang ilang residente sa Metro Manila. Kabilang anya sa mga nabiktima ay nagbayad ang pamilya ng P1-M, isa ay P2-M at ang isa pa ay mahigit kalahating milyon kapalit ng kalayaan ng mga kinidnap. (Joy Cantos)