Una sa mga listahan ay sina Chief Supt. Roberto Rosales na kasalukuyan executive officer ng Directorate for Human Resources sa PNP Headquarters sa Camp Crame; Sr. Supt. Danilo Abarsoza na nakatalaga sa MPD-Deputy Director for Administration; Ifugao Provincial Director Sr. Supt. Elmer Jamias; Cavite Provincial Director, Sr. Supt. Nilo dela Cruz at PNP Spokesman, Sr. Supt. Samuel Pagdilao.
Lumutang ang mga pangalan ng mga nasabing opisyal kaugnay ng pagreretiro ng ilan pang police official sa mga susunod na buwan.
Nabatid na halos 100 porsiyento naman ang pumapabor kay Bulaong upang maitalagang hepe ng National Bureau of Investigation (NBI) sakaling magretiro ito sa Agosto 1.
Subalit ayon sa ilang senior officials ng NBI, tutol sila kung sa labas manggagaling ang bagong hepe ng NBI lalot hindi CPA o abogado.
Hinihiling ng mga opisyal ng NBI kay Pangulong Arroyo na hirangin na lamang si NBI Acting Director Nestor Mantaring bilang permanenteng director ng ahensiya kapalit ng namayapang si ret. Gen. Reynaldo Wycoco. (Danilo Garcia)