Sa ulat ng Manila Fire Bureau, nabatid na dakong alas-12:50 ng hapon nang sumiklab ang apoy buhat sa Anita at Abaton Lodging House sa P. Casal St., Islamic Center.
Ayon sa mga residente, una silang nakarinig ng sunud-sunod na pagsabog na kahalintulad sa mga malalakas na uri ng bala sa loob ng lodging house bago tuluyang kumalat ang apoy.
Umabot sa ikalimang alarma ang naturang sunog at naapula dakong ala-1:47 ng hapon. Wala namang iniulat na sugatan o nasawi sa naganap na sunog.
Tinitingnan ngayon ang anggulo na pag-aari ng mga sindikato o posible ring terorista sa loob ng Islamic Center ang naturang mga sumabog na bala.
Isang masusing imbestigasyon ang isinagawa ng arson investigator upang alamin ang katotohanan sa ulat na may mga nakaimbak ngang bala sa loob ng naturang nasunog na lodging house na maaaring maging daan upang ipagharap ng kaso ang may-ari nito. (Danilo Garcia)