Ang naturang pondo ay personal na inabot ni SB kay QC Senior Citizens Cooperative Executive Board ret. judge Graciano Gayapa Jr. sa isang seremonya sa QC hall.
Binigyang diin ni SB na ang naturang hakbang ay isang living testimony ng pamahalaang lungsod para suportahan ang kalagayan ng mga matatanda para maipagpatuloy ang kanilang pagiging competitive, useful at productive.
Pangunahing popondohan ng naturang kooperatiba ay ang QC Senior Citizens Cooperative Pharmacy and Convenience Store, ang tanging proyektong isinasagawa sa isang lokal na pamahalaan sa buong bansa.
Ang QC Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) ang mangangasiwa sa naturang proyekto. (Angie dela Cruz)