Holdaper tinigok ng kapwa holdaper

Isang pinaniniwalaang holdaper ang pinagbabaril hanggang sa masawi ng umano’y kapwa nito mga holdaper, kamakalawa ng hapon sa Pateros.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Ospital ng Makati ang biktimang si David Adto Jr., alyas "William", 26 at residente ng 628 Tuazon St., Brgy. Poblacion, nabanggit na bayan sanhi ng mga tama sa iba’t ibang parte ng katawan buhat sa .45 kalibre ng baril.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang mga suspect.

Batay sa rekord ng Pateros Police, kilala umanong holdaper sa kanilang lugar ang biktima.

Nabatid na dakong alas-5:20 ng hapon, habang nakatayo sa harapan ng isang convenience store ay pinagbabaril ang biktima ng mga suspect. (Lordeth Bonilla)

Show comments