Nakilala ang nasawi na si Jerson Taboy, ng 1606 Quiricada St. Sta. Cruz, Maynila.
Nadakip naman ang isa sa mga suspect na isa ring menor de edad na itinago sa pangalang Olan, 16, habang pinaghahanap pa ang isa pang suspect na nakilalang si Black Jack.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-12:50 ng madaling araw sa panulukan ng Quiricada at Rizal Avenue, Sta. Cruz kung saan nakaistambay ang biktima at mga kabarkada nito.
Nabatid sa imbestigasyon na unang nakasuntukan ng suspect na si Olan ang isang Jacinto Dante sa naturang lugar kung saan naagrabyado ang una. Umalis ito at nang bumalik ay armado na ng baril kasama si Black Jack. Agad umanong pinaputukan ng mga suspect ang lahat ng taong inabutan sa lugar. Minalas naman na si Taboy ang tinamaan ng bala at napuruhan sanhi ng kanyang kamatayan.
Tinuligsa naman ng mga residente rito ang kahinaan ng pulisya na masawata ang "gang war" dahil sa kawalan ng sapat na police visibility sa lugar at sa iba pang panig ng lungsod. (Danilo Garcia)