Ito ang naging reaksyon ng ibat ibang transport groups matapos na palagan nila ang hakbangin ng MMDA na ipatupad ang "kamay na bakal" sa lahat ng mga pasaway na drivers at commuters.
Ayon sa mga driver na bago anya magpatupad ang MMDA ng Martial Law sa lahat ng violator, unahin muna ng pamahalaan na resolbahan ang pagpapababa ng presyo ng produktong petrolyo.
Dahil ito anya ang nagbibigay pasakit sa hanay ng transportasyon .
Pinagdududahan ng Pinagkaisahang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na ang hakbangin ni Fernando ay may basbas buhat sa Malacañang.
Bumaba umano ang kita ng ahensiya na nagmumula sa mga multa ng mga traffic violator kung kaya kung anu-anong programang ang ipinatutupad nito para mahuthutan ng multa ang mga driver. (Lordeth Bonilla)