Prostitusyon sa Caloocan, talamak

Talamak na umano ang nagaganap na prostitusyon sa Caloocan City matapos na salakayin kamakalawa ng gabi ng mga tauhan ng pulisya ang may pitong prostitution den dito kung saan nasagip ang mahigit sa 10 menor-de-edad na nagtatrabaho dito.

Ayon kay Supt. Napoleon Cuaton, hepe ng Caloocan City Police Station Investigation and Detection Management Branch na dakong alas-9 ng gabi nang isagawa ang random operations ng operatiba sa pitong prostitution den sa kahabaan ng 4th Avenue Grace Park ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na umabot sa 49 kababaihan ang dinampot sa nasabing operasyon at mahigit sa sampung menor de edad.

Nag-ugat ang operasyon makaraang makatanggap ng impormasyon ang pulisya na marami sa mga nagbebenta ng aliw sa Caloocan City ay mga minor at ikinukulong ang mga ito sa mga casa o den. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments