Dahil dito, ayon kay NCRPO chief Director Vidal Querol ay ikinasa na ng kanyang tanggapan at ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) ang mga preventive measures upang supilin ang modus operandi ng mga KFR syndicate.
Sinabi pa ni Querol na nakipagpulong na sila sa Citizens Action Against Crime (CAAC) at iba pang anti-crime groups upang matukoy ang lahat ng mga kritikal na lugar na maaaring targetin ng mga kidnap gang.
Ang nasabing pulong ay alinsunod sa ikinakasang "Oplan Balik Eskuwela" ng NCRPO kung saan magpapakalat sila ng tinatayang 6,000 hanggang 10,000 pulis sa bisinidad ng mga paaralan sa Metro Manila upang sawatain ang mga elementong kriminal na makapambiktima ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo.
Maliban sa mga Chinese schools, sinabi ni Querol na inalerto na rin nila ang mga administrator ng mga international at private schools na maaaring targetin din ng mga grupong sindikato.
Iminungkahi pa ni Querol sa mga local governments na gawing maliwanag ang mga lugar na daraanan sa kapaligiran ng mga paaralan dahilan maaaring umatake ang mga kidnappers anumang oras. (Joy Cantos)