Binata, binoga ng sekyu

Dead-on-the-spot ang isang 24-anyos na binata matapos na dalawang ulit na barilin ng isang guwardiya habang nagpapahangin kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng .9mm pistol ang biktimang si Regie Isip Balmaceda, 24, ng Camachile St. Malate Manila mula sa sumukong suspect na si Warlito Balalang, 32, nakatalaga sa Greenbelt Mall, Ayala Center, Makati City.

Dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang barilin umano ni Balalang si Balmaceda sa Jimenez St. Brgy. San Lorenzo, Village, Makati.

Nagpapahangin ang biktima nang bigla na lamang barilin ng suspect. Inaalam pa rin ng awtoridad ang motibo ng pamamaslang. (Lordeth Bonilla)

Show comments