Ang piloto ay nakilalang si Capt. Roy Martin Miranda, pilot-in-command ng Etihad Airways na dumating sa premier airport nitong nakaraang Miyerkules ng hapon.
Nakatakdang hilingin ang pagkondena ng dalawang press corps sa pamunuan ng Etihad Airways at padadalhan din ng kopya ng reklamo si Leoncio Nakpil, pangulo ng Airline Operations Council.
Nangyari ang insidente habang naghihintay ang mga NPCI reporters sa paglabas ng OFW na si Perez upang makunan ng litrato. Kasama ng mga reporter at photographer ang mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs at welfare officer.
Nang makita ni Miranda ang mga mamamahayag ay nairita umano ito, kasabay ng pagduro sa mga reporter at sumigaw ng: "This aircraft is our territory and you have no right to be here."
Ang ginawa ng mga reporter ay sumakay sa high-loader at inabangan ang pagbaba ni Perez na idinaan sa tagiliran ng eroplano patungo sa ambulansiyang nag-aabang sa rampa.
Nakita rin ito ni Miranda na sinundan ang mga reporter at pasigaw na sinabing: "If you will not go down, the passenger (Perez) will not go out!"
Tumigil lamang si Miranda sa pagsigaw nang sinabihan siya ng mga reporter na wala na siyang jurisdiction sa lugar dahil sa hindi na nito nasasakupan ang labas ng eroplano. (Butch Quejada)