Ito ang ipinahayag kahapon sa isang pulong kasabay ng pagtutol ng University of the Philippines sa nasabing plano.
Ayon kay Director Leonardo Q. Liongson ng National Hydraulic Research Center of Civil Engineering sa UP, dapat na manatiling protected area ang La Mesa watershed dahil dito kumukuha ng inuming tubig ang may 12 milyong Pilipino sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Giit pa ni Liongson na walang ibang pupuntahan ang dumi at basurang magmumula sa mga residenteng maninirahan sa naturang housing projects kundi sa nabanggit na dam lamang.
Aniya, kahit pa mayroong inilatag na mitigating measures ang MWSS para sa lugar ay may mga hindi inaasahang pagkakataon at trahedyang posibleng tumama sa lugar katulad na lamang ng lindol na maaaring magdulot ng pagkawasak ng istruktura.
At kapag nangyari umano ito ay sa La Mesa dam din babagsak o sasahod ang maiiwang mga debris, basura at iba pang duming idudulot ng nasabing trahedya.
Nabatid na nakatakdang itayo ngayong taon ang mass housing project sa nasabing lugar para sa mga kawani ng MWSS. (Doris M. Franche)