Estudyante iniwan ng gf, nagbigti

Matapos makipaghiwalay ng kanyang kasintahan sa loob ng apat na taon, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang estudyante sa loob ng kanyang kuwarto, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Nakilala ang nasawi na si Mark Palacanas, 22, tubong Oriental Mindoro at residente ng #2266 J. dela Rosa St., Sampaloc.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, nadiskubre ang pagbibigti ng biktima dakong alas-7:30 ng gabi sa loob ng inuupahang kuwarto nito.

Nakapulupot ang isang nylon cord sa leeg ng biktima at may ilang oras nang malagutan ito ng hininga.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na naging malulungkutin si Palacanas matapos na makipaghiwalay sa kanya ang hindi pa nakikilalang nobya nito ng apat na taon.

Nadagdagan pa umano ang desperasyon nito nang malamang hindi na siya puwedeng makipagbalikan dahil sa agad siyang napalitan ng babae na nakipagrelasyon na sa ibang lalaki. (Danilo Garcia)

Show comments