Ayon kay Daza, manggagaling sa kanyang congressional allocation ang pondong gagamitin para mabigyan ng trabaho ang may 8,000 residente ng district 4.
Ang proyekto na joint undertaking ni Daza at ng GABAYMASA Development Foundation, Inc. ay magbibigay ng scholarship assistance sa 50 constituents ng mambabatas para sa isang call center training program.
Bukod sa call center training, mayroon ding cosmetology, hair science, personality development, reflexology, cellphone repair, meat processing, chocolate at candy making, flower arrangement at driving lessons. (Doris Franche)