Admin at Management office ng Senado nasunog

Tinatayang mahigit sa P.1 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang tanggapan ng Admin at Management Bureau ng Senado kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog dakong alas-2:02 ng madaling-araw sa Room 401 ng Human Resources Management Service, Senate Building, CPP Complex, Pasay City sanhi ng short electrical faulty wiring.

Mabilis itong kumalat sa buong opisina at nasunog ang ilang mahahalagang dokumento rito.

Naapula ang sunog dakong alas-4:30 ng umaga. (Lordeth Bonilla)

Show comments