Ayon kay National Security Adviser Norberto Gonzales ang rebelyon ay patuloy na nagpapalala sa kahirapan at sagabal sa pag-unlad ng bansa.
Sinabi ni Gonzales, chairman ng Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), dapat na buwagin ng gobyerno ang communist insurgency kung nais nitong matanggal sa third-world image ang bansa sa mga susunod na tatlo hanggang limang taon.
Aniya, sinasabotahe din ng communist insurgecy ang economic development sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bomba at pananakot sa mga negosyante sa pamamagitan ng paghingi ng revolutionary tax.
"Walang pinagkaiba ang NPA rebels sa mga anay na unti-unting sumisira ng bahay," ani Gonzales. (Doris Franche)