Comelec sa Maynila binalaan vs people’s initiative

Nagbabala kahapon ang minorya sa Sangguniang Panglungsod ng Maynila laban sa partisipasyon ng Comelec sa siyudad sa anumang kilos upang beripikahin ang mga pirmang nakalap ng mga grupong nagsusulong ng people’s initiative.

Sa isang liham na pinadala sa Comelec, binanggit ng grupong pinamumunuan ni Bise Alkalde Danny Lacuna, ang desisyon ng Supreme Court sa kaso ng Santiago versus Comelec.

Sa desisyong ito ay pinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman na ang batas sa people’s initiative ay hindi sapat sa kadahilanang walang angkop na batas na magpapatibay sa pagsasagawa nito.

Dahil dito, pinaalala rin ni Lacuna sa Comelec sa siyudad na nag-isyu rin ang SC ng isang permanent injunction laban sa pagsulong ng isang kampanyang pangangalap ng pirma para sa pag-amyenda ng Konstitusyon. Ayon sa minorya, ang paggamit ng perang nagmumula sa kaban ng bayan para sa isang pribadong gawain ay maglalagay sa mga opisyal na kasali rito sa peligrong masampahan ng kasong criminal sa korte.

Show comments