Itoy matapos na ikalat ng huli ang isang open letter na tumutuligsa sa ilang pulis sa Pasig City dahil sa nadiskubreng shabu tiangge sa lungsod kamakailan.
Napag-alaman na noong Sabado ikinalat ni Major Marasigan ang kanyang open letter na nagsasaad kung paano nadungisan ang datiy marangal na pangalan ng Pasig Elite dahil sa ilang tiwaling miyembro nito na dahil lamang sa pera na ikinadamay ng iba pa.
"Today, nothing is left for the "elite" but to nurture the embarrasment caused by some rogue cops operating within the station," bahagi ng sulat ni Marasigan.
Napag-alaman din na ibinigay na ni Marasigan ang mga listahan ng mga tiwaling Pasig police na sangkot sa pag-ooperate ng shabu tiangge sa Mapayapa Compound Brgy. Sto. Tomas na ikinaaresto ng mahigit sa 300 katao.
Ang listahan ng mga tiwaling pulis ay kinumpirma din ni Pasig City Congressman Robert "Dudut" Jaworski kahapon at sinabing magkatulong sana sila ni Marasigan na magsasagawa ng imbestigasyon para makakuha ng sapat na ebidensiya.
"Dalawa sana kaming magsasagawa ng imbestigasyon pero pinatahimik na siya. Sabado yung open letter niya, pagdating ng Miyerkules pinatahimik na siya," saad pa ni Jaworski.
Samantala, bukod sa nasabing anggulo, sinisilip din ng pulisya ang awayan sa lupa matapos na mapag-alaman na may biniling lupa si Marasigan sa labas ng Metro Manila subalit may naghahabol dito.
Matatandaang inambus si Marasigan, na nakadestino sa Internal Affairs Service sa Camp Crame ng anim na armadong kalalakihan habang lulan ng kanyang puting Pajero malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Malinao, Pasig City.
Nagtamo ito ng walong tama ng bala ng baril. Apat sa ulo at apat sa katawan buhat sa kalibre .45 baril.
Hinahawakan din ni Marasigan ang kasong administratibo laban sa mga parak na sangkot sa carjack-slay.