Kasalukuyan na ngayong naghihimas ng malamig na rehas na bakal ang suspect na si Gerry Buncalan, residente ng 1169 Lirio St., Brgy. 175, nabanggit na lungsod.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa anim pang mga kasaman ni Buncalan na sina Guerrero Gay, Jonathan, Pado Pilanin, Buboy Araza, Leonor Tapang at isa pa na pawang mga kapitbahay nito.
Batay sa ulat, tinatayang alas-6 ng gabi nang umanoy pagtulungang gahasain ng mga suspect ang isang 18-anyos na dalaga na itinatago lamang sa pangalan na Nora, residente ng Sitio Matarik, Camarin, Caloocan City.
Nabatid na pinilit umano ng mga suspect ang biktima na uminom ng alak hanggang sa malasing ito at kanilang pinagtulungang gahasain.
Naaresto si Buncalan, habang nakatakas naman ang mga kasamahan ng una nang magsumbong ang biktima sa kanyang ina na agad namang dumulog sa pulisya. (Rose Tamayo Tesoro)