Ito naman ang nabatid kina SBMA Chairman Feliciano Salonga at Administrator Armand Arreza sa ginanap na forum sa Marios Restaurant sa Tomas Morato kahapon.
Ayon sa dalawang opisyal, ang pangunahing infrastructure development na pinondohan ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) ay lalo pang magpapa-unlad sa rehiyon.
Ipinaliwanag ni Arreza na ang Subic port ay magiging New Global Market dahil ito ang magsisilbing trade scene sa Asia-Pacific region.
Bukod sa port project, ang Subic-Clark toll road ay maglalaan din ng alternatibong ruta at daan upang hindi makadagdag ng pagsisikip sa Metro Manila. Dahil dito, walang dapat na ikatakot o ikabahala ang mga nais mamuhunan sakaling matapos ang proyekto. (Doris Franche)