Ang kautusan ng NAPOLCOM ay upang maiwasang maimpluwensiyahan ng Mayor ang lokal na pulisya sa isasagawang Senate at Department of Justice (DOJ) investigation sa pagkakadiskubre ng shabu tiangge na sinalakay ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOTF ) noong Pebrero 10.
Ayon sa isang mataas na opisyal ng PNP na hindi nagpabanggit ng pangalan, na sa ilalim ng RA 8551 ang isang Mayor ay kinakailangang tanggalan ng operational supervision sa lokal na pulisya at may prebilehiyong suspendihin ng NAPOLCOM sa malalaking kaso katulad ng pagkakaroon ng shabu tiangge.
Napag-alaman na pinirmahan na ng NAPOLCOM Commissioner ang resolusyon sa deputization suspension ni Eusebio at inaasahang lalabas ang kautusan ngayong araw na ito.
Dahil sa gagawing suspensyon kay Eusebio, inaasahan na ang kapulisan na hindi na ito makakaimpluwensiya pa sa gagawing imbestigasyon ng Senado at DOJ dahil sa pagkakadiskubre sa shabu tiangge sa Mapayapa Compound Brgy. Sto. Tomas, Pasig City at madaliang paggiba nito noong Pebrero 15 sa pangunguna ni Eusebio. (Edwin Balasa)