Ito ang tiniyak kahapon ni MMDA Chairman Bayani Fernando matapos ang isinagawang pagsasara sa 4 sa anim na open at controlled dumpsites na nasa Metro Manila.
Ito ay dahil sa nanatiling bukas ang dalawang dumpsite na maaarin pang magamit, ito ay ang Payatas Controlled Disposal Facility sa Quezon City at ang dumpsite sa Navotas. Ito umano ay mananatiling operational hanggat hindi pa umaabot sa level na itinakdang hindi na dapat pang tambakan,
Partikular na kinumpirma ni Fernando ang Payatas na maaari pang magtagal hanggang Disyembre 2007.
Bukod dito, umaasa din ang MMDA na may dalawang pang sanitary landfill stations sa Rodriguez, Rizal at Clark, Pampanga ang maaaring pagtapunan ng 7-libong tonelada ng basura kada araw na nagmumula sa Metro Manila. (Ludy Bermudo)