Bukod sa mga naarestong suspect ay nakakuha din ng pinagsamang puwersa ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOTF) at Special Action Force (SAF) ng mahigit sa kalahating kilong shabu ng pasukin nila ang may 40 kabahayan na sakop ng 600 metro kuwadradong compound na matatagpuan sa kahabaan ng F. Soriano St. Brgy. Sto. Tomas ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay AIDSOTF chief Director Marcelo Ele, sinalakay nila ang nasabing lugar dakong alas-11:30 ng umaga matapos ang dalawang linggong surveillance at test buy operation dahil sa reklamo na lantarang bentahan ng ilegal na droga sa lugar at parang palengke kung ialok ang shabu.
Walang takot na lantaran pang nakapaskil ang presyo ng shabu.
Sa bisa ng search warrant na ibinigay ni Executive Judge Natividad Giron-Dizon ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) ay tumulak ang tatlong trak ng mga awtoridad sa lugar at sorpresang sinalakay ang compound na doon nadakip ang mga suspect kabilang ang isang nagngangalang Dario na itinuturong isa sa protektor ng nasabing den.
Samantala, sinabi naman ni PNP chief Director General Arturo Lomibao na may mga opisyal ng pulis na tatamaan sa nasabing raid.
Bukod sa shabu ay nakakuha rin ang pulisya ng hindi pa batid na halaga ng pera at apat na baril na kinabibilangan ng dalawang .45 pistol, isang carbine at isang .38 revolver.
Dinala ang mga suspect sa tanggapan ng AIDSOTF sa Camp Crame upang sampahan ng kaukulang kaso habang nakatakda namang ibigay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga menor-de-edad na nahuli.
Sinibak na rin kahapon ang precinct commander na si Senior Inspector Salvador dela Cruz at anim na pulis na nakadestino sa Anti-Drug Unit ng Pasig City Police headquarters dahil sa kabiguan ng mga ito na i-monitor at malabanan ang talamak na bentahan ng droga sa kanilang nasasakupan. (Edwin Balasa, at may dagdag ulat ni Joy Cantos)