Ang mga suspect ay kinilala sa mga pangalang VM Mercado, 19, residente ng #1912 Nazareth St., Tabon, Brgy. 185 at Sario Palconet, 19, tubong Tacloban, Leyte at residente ng #3890 Camias St., Purok 1, Brgy. 185, Malaria, Caloocan City.
Ayon sa ulat, dakong alas-6:50 ng gabi nang unang holdapin at bugbugin ng mga suspect si Gilbert Pasa, empleyado at naninirahan sa Sapang Alat Road, Brgy. 181, Pangarap Village, Caloocan City.
Kasalukuyang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Quirino Highway, Bankers Village, Caloocan City nang abangan ng mga suspect at tutukan ng .38 kalibre ng baril sabay kulimbat ng P14,000 pera at 6600 cellular phone ng una.
Bago pa umano tuluyang tumakas ang mga biktima ay pinagtulungan nilang bugbugin ang biktima, sanhi upang magkaroon ang huli ng pinsala sa katawan.
Agad na isinuplong ng biktima sa pulisya ang mga suspect na agad namang nagsagawa ng operasyon at nagbunga nga sa pagkakaaresto sa mga ito.
Base sa rekord ng pulisya, ang mga suspect ay pawang mga notoryus na miyembro ng "robbers on wheels" na responsable sa serye ng holdapan sa Maynila at mga karatig-lugar. (Rose Tamayo)