Sa isang panayam, sinabi ni Efren de Luna, Pangulo ng Alliance Concerned Transport Organization (ACTO) na alinsunod sa batas, may karapatan naman ang transport groups na humingi ng taas-pasahe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board makaraang makaramdam ng epekto sa nagaganap na oil price hike.
Ayon kay de Luna, magsasagawa ng isang malakihang pulong ang samahan upang maisapinal kung magkanong halaga ang dapat na igiit para sa fare increase sa mga pampasaherong jeep.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Zenaida Maranan, Pangulo ng FEJODAP na magpupulong din ang kanilang hanay para pag-usapan ang epektong idudulot sa kanila ng EVAT.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Boy Vargas, Pangulo ng ALTODAP na makikipagkita rin ang kanyang grupo sa grupo ni Maranan para pag-usapan ang naturang isyu.
Magugunitang noong ikalawang linggo ng Enero tumaas na ng 50 sentimos ang halaga ng gasolina at diesel at nito lamang nakalipas na Sabado ay panibagong 50 sentimos ang idinagdag sa presyo nito. (Angie Dela Cruz)