Stude, lunod sa tumaob na bangka

Patay ang isang dalagita makaraang malunod ito nang tumaob ang bangkang de motor na kanilang sinasakyan ng kanyang mga kaibigan kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Agad na nasawi si Julie Ann Lipata, 15, 2nd yr. student ng Rizal High School habang nakaligtas naman ang mga kaibigan nito na sina Danica Orcalles, Jay Libantimo at magkapatid na Jiger at April Inocencio na pawang mga residente ng Reyes St. Brgy. Ugong, Pasig City.

Ayon kay PO1 John Ocleda, nagkayayaan ang magbabarkada na magtungo sa Marikina River Bank gamit ang isang bangkang de motor.

Dakong alas-6 ng magpasya ang mga ito na umuwi na sakay pa rin ng bangka nang biglang tumagilid hanggang sa mataranta ang mga sakay at tuluyang tumaob ang bangka.

Nagawa namang

makalangoy at makaligtas ng apat habang hindi naman nagawa ni Lipata na makaahon sa ilog.

Alas-10:30 na ng umaga kahapon ng matagpuan ang bangkay nito sa gilid ng pinapasukang eskuwelahan.

Lumilitaw na overcrowded ang bangka na sinakyan ng mga biktima na naging dahilan upang mawalan ito ng balanse. (Edwin Balasa)

Show comments