Batay sa kautusang ipinalabas ni DepEd Officer-in-Charge Fe Hidalgo sa lahat ng mga private at public na eskwelahan ng elementarya, high school at kolehiyo sa bansa na kinakailangang maging alerto at mapagmatyag ang mga estudyante sa kani-kanilang mga eskwelahan upang maiwasan ang krimen sa loob at labas ng mga paaralan na sangkot ang mga estudyante sa pamamagitan ng agarang pag-ulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.
Ang kautusan ay ginawa ni Hidalgo makaraang makipagpulong sa National Police Commission (NAPOLCOM) at Commission on Higher Education (CHED) at bunsod sa naging kasunduan ng mga ito na magtaguyod ang lahat ng mga eskwelahan ng SCPC.
Ang naturang hakbang ay dahil na rin sa inilathalang ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Directorate for Investigation and Detective Management of the Philippine National Police (DIDM-PNP) na dumarami ang mga estudyanteng nasasangkot sa ibat ibang krimen. (Edwin Balasa)