Ang mga ito ay sina Lovilin Sabino y Mata, 31; Noel Garcia y Columna, 34 at Manuel Sumayay, 33.
Ayon kay Supt. Roger James Brillantes, hepe ng Quezon City Police District-District Intelligence and Investigation Division (QCPD-DIID), ang mga suspect ay pawang mga miyembro ng Kalapati-Bonnet Gang at Pagdanganan carjacking syndicate.
Sinabi ni Brillantes na matagal na nilang minamanmanan ang grupo subalit natiyempuhan lamang ito noong Martes ng gabi at nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad.
Matatandaan na bago maganap ang shootout ay biniktima muna ng grupo ang isang Marvin Luz na inagawan ng Isuzu Crosswind na kulay coppertone at may plakang XTF-526 . Agad na nagreport si Luz tungkol sa insidente kung kayat naglagay ng checkpoints ang mga awtoridad.
Kasunod ay nagkaroon na ng palitan ng putok na nagresulta ng pagkakatimbuwang ng tatlong suspect.
Target ng grupo ang mga sasakyang mga Special Utility Vehicle (SUV). Narekober sa mga suspect ang isang hand grenade, dalawang.38 revolver at isang 12 gauge shotgun at mga bala. (Doris Franche)